Connect with us

News

Trump, nagbabala ng huling pagkakataon sa Iran bago ang matinding pag-atake!

Published

on

Nagpalabas ng matinding babala si US President Donald Trump sa bansang Iran, kung saan sinabi nitong huling pagkakataon na ng bansa na lumagda sa isang magandang kasunduan bago maglunsad ang Estados Unidos ng matinding aksyong militar.

Inihayag ng Pangulo ng Amerika na patuloy ang mga negosasyon upang mabuksan muli ang Strait of Hormuz at maipatupad ang denukleyarisasyon ng Iran. Ginawa ni Trump ang pahayag sa kahilingan na rin ng mga kalapit-bansa tulad ng Saudi Arabia, United Arab Emirates, at Qatar upang bigyang-daan ang diplomasya.

Bagama’t itinatanggi ng foreign ministry ng Iran na mayroong direktang usapan sa pagitan nila at ng Washington, iginiit ng pamahalaan ng Estados Unidos na nagpapatuloy ang mga talakayan para sa kapayapaan.

Copyright © 2026 | Pulse Ph