Connect with us

News

Bagyong Luis, mataas ang tyansang mag-landfall sa Luzon

Published

on

Inaasahang tatama o dadaan nang napakalapit sa Hilagang Luzon ang Bagyong Luis ngayong gabi o bukas ng madaling araw. Huling nakita ang sentro nito sa distansyang 135 kilometro silangan ng Casiguran, Aurora na may taglay na lakas ng hangin na 55 kilometers per hour at pagbugsong umaabot sa 70 kilometers per hour.

Nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa buong Isabela at Quirino, pati na rin sa ilang bahagi ng Cagayan, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, at Aurora. Pinaiiral din nito at ng habagat ang malalakas na hangin at matataas na alon sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas, kaya pinaiingat ng PAGASA ang mga mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat.

Ayon sa ulat ng panahon, dahan-dahang kumikilos ang bagyo hilagang-kanluran bago ito inaasahang liliko pabalik sa karagatan patungong silangan-hilagang-silangan.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copyright © 2026 | Pulse Ph