Entertainment
Carmelle Collado, ibinibida ang ganda ng OPM sa Unang Eurovision Asia
Isang malaking hakbang ang tinatahak ngayon ng mang-awit na si Carmelle Collado upang dalhin ang Original Pilipino Music o OPM sa pandaigdigang entablado. Ibinahagi niya ang kanyang pangarap at determinasyon na mapansin at tumatak ang musika ng Pilipinas sa iba’t ibang sulok ng mundo, lalo na sa paglahok sa kauna-unahang Eurovision Asia.
Para kay Carmelle, ang platapormang ito ay hindi lamang isang simpleng kompetisyon kundi isang mahalagang pagkakataon upang maipakita ang natatanging talento, emosyon, at kultura ng mga Pilipinong musikero. Hangad niya na sa pamamagitan ng kanyang boses at sining, mas marami pang dayuhan ang makaka-appreciate sa lalim at ganda ng OPM.
