Connect with us

News

Mga Pilipino sa France, Binalaan sa Ilegal na Sabong

Published

on

Nagsalita na ang Philippine Embassy sa Paris matapos makatanggap ng ulat mula sa mga awtoridad sa France tungkol sa mga Pilipinong sangkot sa ilegal na sabong at sugal. Bukod sa mismong sabungan, inireklamo rin ng mga lokal na residente ang gulo, ingay, at kalat na dulot ng mga naturang aktibidad.

Muling ipinaalala ng embahada na itinuturing na malubhang krimen o animal cruelty ang ilegal na sabong sa France. Ang sinumang mahuhuling nagpapasabong ay maaaring makulong nang hanggang tatlong taon at magbayad ng pyansa o multa na aabot sa 45,000 euros o higit dalawang milyong piso.

Dahil dito, pinalalahanan ng embahada ang mga kababayang nandoon na igalang ang mga batas ng France upang mapanatili ang magandang imahe ng komunidad ng mga Pilipino sa ibang bansa.

Copyright © 2026 | Pulse Ph