News
IRGC ng Iran, Handang gumanti sa mga pag-atake ng Estados Unidos!
Muling tumindi ang tensyon sa Gitnang Silangan matapos ideklara ng Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC) na nakahanda na ang kanilang pwersa para sa isang malaking counteroffensive laban sa Estados Unidos. Ayon sa tagapagsalita ng tropa, nakaposisyon na ang kanilang militar upang gumanti sakaling magpatuloy ang mga pag-atake ng Amerika at ng mga kakampi nito sa kanilang mga pasilidad.
Ang pahayag na ito ay kasunod ng patuloy na tensyon at sagupaan sa rehiyon na nagdulot ng pangamba sa mas malawak na digmaan. Iginiit ng panig ng Iran na hindi sila magdadalawang-isip na gamitin ang kanilang buong pwersa upang ipagtanggol ang kaniyang soberanya at tugunan ang anumang banta mula sa dayuhang pwersa.
Sa kasalukuyan, nananatiling nakaabang ang buong rehiyon sa magiging susunod na hakbang ng dalawang bansa habang patuloy na nagbabala ang magkabilang panig hinggil sa mas matinding tunggalian.
