Connect with us

Metro

DOE: Walang mabilis na solusyon sa krisis sa kuryente sa Visayas!

Published

on

Inamin ng Department of Energy na wala silang maipakitang agarang solusyon sa patuloy na kakulangan sa supply ng kuryente sa Visayas.

Naging mainit ang pagtatanong ni House Committee on Energy Chairman Jose Alvarez kung bakit patuloy na nakararanas ng yellow at red alerts ang rehiyon kahit nakakonekta naman ito sa pambansang grid.

Ayon sa DOE, limitado ang kuryenteng nanggagaling sa Mindanao dahil sa sabay-sabay na pagkasira ng mga pangunahing planta roon. Dagdag pa ng ahensya, kulang din ang mga baseload at conventional power plant sa Visayas, partikular sa Negros na karamihang umaasa sa solar energy.

Dahil dito, nakatutok ngayon ang pamahalaan sa pagpapabilis ng pag-aayos at pagpapabalik sa operasyon ng mga nasirang planta ng kuryente. Nananatili namang nanganganib ang rehiyon sa mga sunod-sunod na rotational blackout at power grid alerts.

Copyright © 2026 | Pulse Ph