Connect with us

News

Nais Ipatawag ng Kamara si Mark Zuckerberg sa Isyu ng Kaligtasan sa Facebook

Published

on

Ibinitin ng mga mambabatas sa Kamara ang pagpapatibay sa panukalang 2027 budget ng Department of Information and Communications Technology (DICT). Ginawa ito ng Kamara upang maipatawag at mapaharap mismo si Meta CEO Mark Zuckerberg ukol sa mga usapin ng karahasan at kaligtasan ng mga kabataan sa Facebook.

Pinuna ng mga mambabatas na sa kabila ng pagiging pang-limang pinakamalaking user base ng Facebook sa buong mundo, wala man lang opisyal na tanggapan o opisyal na country manager ang Meta sa Pilipinas. Binigyang-diin din sa talakayan ang mga nakaraang insidente gaya ng barilan sa Ateneo de Zamboanga University, kung saan pinalutang ang posibilidad na harangin ang Facebook sa bansa bilang huling hakbang dahil sa mabagal na pagtatanggal ng mga mararahas na content, usapin sa proteksyon ng kabataan, at pagpapakalat ng maling impormasyon.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copyright © 2026 | Pulse Ph