Connect with us

Metro

PANIBAGONG TAAS PRESYO: Mas Malakihang Taas-Presyo sa Langis, Inaasahan sa Susunod na Linggo!

Published

on

Inaasahan na naman ang panibagong matinding taas-presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo dulot ng patuloy na krisis sa suplay ng langis sa Gitnang Silangan.

Batay sa mga taya sa merkado at industriya ng langis, posibleng tumaas nang hanggang P11 bawat litro ang presyo ng diesel, habang ang presyo naman ng gasolina ay maaaring magkaroon ng dagdag na hanggang P5 bawat litro. Ang napipintong pagtaas na ito ay bunsod ng patuloy na tensyon at sigalot sa Middle East na labis na nakakaapekto sa pandaigdigang bentahan at suplay ng langis.

Inaasahang maglalabas ng kanilang opisyal na anunsyo ang mga kumpanya ng langis sa simula ng linggo bago ipatupad ang panibagong dagdag-bawas sa mga pamilihan. Dahil dito, pinapayuhan ang mga tsuper at motorists na maghanda at magtipid para sa inaasahang panibagong bigat sa gastusin sa fuel.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copyright © 2026 | Pulse Ph