Connect with us

Metro

Pinaigting na Barangay System sa Quezon City, Pinuri ni Speaker Dy

Published

on

Pinuri ni House Speaker Faustino Dy III ang lokal na pamahalaan ng Quezon City sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Joy Belmonte dahil sa matatag nitong sistema ng pamamahala sa mga barangay. Ginawa ni Dy ang pahayag sa ginanap na ika-31 na Quezon City Barangay Day kung saan kinilala ang mga natatanging barangay sa lungsod.

Bilang dating kapitan sa Cauayan, Isabela, binigyang-diin ni Dy na napakahalaga ng papel ng mga opisyal ng barangay dahil sila ang unang nilapitan at nakatutok sa mga pangangailangan ng mamamayan. Inihayag din ng Speaker na hindi madali ang tungkulin sa barangay at pinarangalan ang 142 barangay na dumalo sa pagtitipon. Tiniyak din niya na patuloy na susuportahan ng Kamara ang mga lokal na lider upang lalo pang mapabuti ang pagbibigay ng serbisyo sa bawat komunidad.

Copyright © 2026 | Pulse Ph