Metro
20,000 Pulis Ipinadala Para Sa SONA 2026; Habang Apat Na Grupo Binigyan Ng Permit Magkilos-Protesta Sa QC
Nagtala ng higit 20,000 tauhan ang Philippine National Police (PNP) sa Quezon City bilang paghahanda sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Naka-full alert na ang buong hanay ng pulisya kung saan nagtayo ng mga command post sa Commonwealth Avenue at pinalakas ang seguridad gamit ang K-9 units at checkpoints sa Batasang Pambansa at paligid ng Malacañang.
Samantala, apat na grupo ng mga nagpoprotesta ang binigyan ng permit ng pamahalaang lungsod ng Quezon City para magdaos ng rally sa Commonwealth Avenue, habang nakiusap naman ang pulisya na panatilihing maayos at mapayapa ang kanilang kilos-protesta. Ipapatupad din ang liquor ban sa Quezon City ngayong araw mula 12:01 ng hatinggabi hanggang 6:00 ng hapon. Kasabay nito, magpapatupad ng traffic rerouting, zipper lane, at pagsasara ng ilang U-turn slot sa Commonwealth Avenue ang MMDA, habang mananatili pa rin ang number coding scheme sa buong Metro Manila.
