Connect with us

News

Pope Leo XIV, Nagbabala sa Sobrang Pagdepende ng Tao sa Artificial Intelligence

Published

on

Nagpaalala si Pope Leo XIV sa publiko laban sa labis na pag-asa sa artificial intelligence at sa pag-iwan ng mahahalagang desisyon sa mga algorithm. Sa kanyang lingguhang general audience sa Vatican, binigyang-diin ng lider ng Simbahang Katolika na bagama’t nagdudulot ng mga bagong oportunidad at nag-aalis ng distansya ang teknolohiya at social media, nagiging sanhi rin ito ng kawalan ng personal na ugnayan sa pagitan ng mga tao.

Muling iginiit ng Papa na ang mga desisyong dapat ay nakasalalay sa kensensya at puso ng tao ay hindi dapat ipasa sa mga computer program. Kasunod ito ng patuloy na pangamba sa buong mundo ukol sa kakayahan ng AI na magbago nang walang pakikialam ng tao. Nanawagan din ang Vatican para sa mas maayos na regulasyon sa paggamit ng makabagong teknolohiya upang mapanatili ang dignidad at tunay na lalim ng ugnayan ng bawat isa.

Copyright © 2026 | Pulse Ph