Connect with us

Sports

Pilipinas, nag-uwi ng dalawang kampeonato mula sa Pony World Series sa Texas

Published

on

Dominado ng mga atletang Pilipino ang katatapos lang na Pony International Softball World Series na ginanap sa McAllen, Texas matapos magwagi ng magkahiwalay na kampeonato ang mga kinatawan mula sa Maynila at Sagay City.

Sa kategoryang 18-under, itinanghal na kampeon ang Manila batters matapos nilang durugin ang Pride Elite ng Estados Unidos sa iskor na 8-1. Ito na ang ikatlong titulo ng koponan ng Maynila sa huling apat na edisyon ng kompetisyon sa ilalim ng pamumuno ni Coach Sheirylou Valenzuela.

Hindi rin nagpahuli ang Negrense clouters mula sa Sagay City matapos nilang pataubin ang RXII Kino ng Mexico sa iskor na 4-2 upang angkinin ang korona sa 14-under division. Dahil sa tagumpay na ito, muling nabawi ng Sagay City ang titulo na huli nilang napanalunan dalawang taon na ang nakalilipas.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copyright © 2026 | Pulse Ph