News
Pilipinas at Tsina, harapang nag usap matapos ang bagong sigalot sa Ayungin Shoal
Muling tumindi ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at Tsina matapos magpatawag ang magkabilang bansa ng kani-kanilang mga embahador kasunod ng panibagong sagupaan sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.
Personal na nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa embahador ng Tsina sa Maynila na si Jing Quan sa Malacañang upang ipaabot ang matinding pagtutol ng bansa ukol sa usapin ng pambansang seguridad. Nag-ugat ang ipinatawag na pulong matapos ireport ng militar ng Pilipinas na hinampas ng batuta ng China Coast Guard ang isang sundalong Pilipino habang pabalik sa nakadaong na BRP Sierra Madre.
Sa kabilang banda, ipinatawag din ng foreign ministry ng Tsina ang embahador ng Pilipinas sa Beijing upang maghain ng opisyal na protesta. Inakusahan ng Tsina ang panig ng Pilipinas ng umano’y sadyang pagpapasimula ng provokasyon at pag-atake sa lugar na tinatawag nilang Ren’ai Reef.
