Entertainment
Olivia Rodrigo, usap-usapan ngayon ang lovelife matapos makitang may ka-date!
Muling naging maingay ang pangalan ng Filipino-American pop star na si Olivia Rodrigo sa mundo ng tsismis matapos siyang makitang kasama ang finance executive na si Julian Croonenberghs. Kahit ilang linggo nang umiikot ang mga balita tungkol sa kanila, lalong tumindi ang hinala ng mga tagahanga nang makita ang dalawa na magkasama sa New York City kamakailan.
Ayon sa mga ulat, nakitang nagpapalipas ng oras ang dalawa sa isang parke sa Brooklyn kung saan sweet na sweet silang nag-uusap, nag-yayakapan, at naghahalikan pa sa kamay. Sa kabila ng paulit-ulit na pagkakakita sa kanila sa pampublikong lugar, nananatiling tahimik sina Olivia at Julian at wala pang ibinibigay na opisyal na pahayag ukol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.
Hindi man kilala sa mundo ng showbiz, si Julian Croonenberghs ay isang matagumpay na propesyonal na nagtapos sa Brown University sa kursong Applied Mathematics at Computer Science. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho bilang private equity associate sa kumpanyang Hg, at dati rin siyang naglaro para sa United States men’s national field hockey team bukod sa pagiging investment banking analyst sa Goldman Sachs.
