Entertainment
Katrina Llegado, Inuwi ang Miss Supranational Pagkalipas ng 13 Taon!
Matapos ang 13 taong paghihintay, muling nakuha ng Pilipinas ang prestihiyosong korona ng Miss Supranational sa pamamagitan ng tagumpay ni Katrina Llegado sa Poland. Si Llegado ang ikalawang Filipina na nagwagi sa nasabing kumpetisyon kasunod ni Mutya Datul noong 2013.
Tinalo ng kinatawan ng bansa ang 66 na kandidata mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Ipinamalas niya ang angking ganda at husay simula pa lamang sa pagrampa gamit ang pambansang kasuotan na inspirasyon ng Gumamela, hanggang sa kanyang gintong evening gown na sumisimbolo sa pagsikat ng araw sa Pilipinas.
Bukod sa kanyang kaakit-akit na pagrampa, nagmarka rin sa mga hurado ang kanyang matatalinong pahayag sa mga question-and-answer portion. Ibinahagi ni Llegado na hindi dapat ikulong ng kababaihan ang kanilang sarili sa mga pamantayan ng lipunan at dapat patuloy na magsikap upang maging pinakamahusay na bersyon ng kanilang sarili.
