Connect with us

Entertainment

Kaso ng Dating Driver Laban kay Rhian Ramos at Michelle Dee, Basura na sa Korte

Published

on

binasura ng Makati City Prosecutor’s Office ang mga reklamo laban sa kapuso actress na si Rhian Ramos, pati na kina Michelle Dee at Samantha Panlilio, na inihain ng kanilang dating tsuper na kilala bilang si Totoy. Dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya, na-dismiss ang mga reklamong slight physical injuries, maltreatment, at unlawful arrest na ipinukol laban sa tatlo.

React ng aktres sa naging desisyon ng korte, palagi naman daw nilang pinaninindigan ang katotohanan mula pa noong simula. Nagtrabaho si Rhian sa set nang mabalitaan ang magandang balita at ipinaalala na sa bandang huli, ang katotohanan ang laging lalabas at magpapalaya sa kanila.

Matatandaang inakusahan ng dating tsuper ang mga kilalang personalidad ng pananakit at ilegal na pagkulong sa kanya sa loob ng isang condominium unit ngayong taon. Samantala, tuloy-tuloy pa rin ang mga hiwalay na kasong theft at perjury na isinampa naman nina Rhian at Michelle laban sa nasabing dating drayber.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copyright © 2026 | Pulse Ph