Uncategorized
China, Pinatitigil Si Gibo Teodoro Jr. Ssa Pagpapalabas At Pambabatikos Ukol Sa WPS
Inutusan ng China si Philippine Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na itigil ang tinawag nitong mga pambubuking at pampolitikang palabas matapos tahasang pamatungan ng kalihim ang posisyon ng Beijing sa isang internasyonal na forum sa Seoul, South Korea. Ayon sa pahayag ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Mao Ning, binabaluktot at inaabuso ng Pilipinas ang proseso ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) sa pamamagitan ng paghahain nito ng kaso noong 2016 at iginiit na ang panig pa ng Maynila ang lumalabag sa pambansang batas-dagat.
Nagmula ang sagutan matapos makatanggap si Teodoro ng isang sulat-kamay na mensahe mula sa kinatawan ng China habang nagsasalita sa Seoul Defense Dialogue. Inilahad sa naturang sulat na walang bisa at hindi kinikilala ng China ang 2016 arbitral ruling ukol sa South China Sea, kung saan agad na sumagot si Teodoro ng “Siyempre, dahil natalo kayo.” Binatikos din ng kalihim ang kawalan ng respeto ng China sa pag-abot ng ganitong mensahe habang nagpapatuloy ang talakayan, habang patuloy namang iginigiit ng Beijing ang kanilang paninindigan sa mga pinag-aagawang teritoryo.
