Uncategorized
Bagong Patakaran sa Boto ng Impeachment, Para Lang Daw Sa Kasong Ito!
Hindi magiging mandatoryong gabay para sa mga susunod na impeachment court ang kamakailang desisyon ng Senado na bawasan ang kinakailangang dalawang-katlong boto para ma-convict si Vice President Sara Duterte.
Binigyang-diin ni Senate President at Presiding Officer Chiz Escudero na ang ginawang pagpapasya kung saan 13-1 ang naging boto ng mga senador-huwes ay nag-aapply lamang para sa kasalukuyang paglilitis o pro hac vice. Nangangahulugan ito na tanging ang mga senador lamang na aktibong nakikilahok sa litis ang ibibilang sa kabuuang bilang ng mga miyembro, kaya bumaba sa 14 na boto mula sa orihinal na 16 ang kailangan para magkasala ang Bise Presidente dahil apat na senador ang hindi nakakadalo. Ipinalwanag naman ni House Prosecutor Rep. Chel Diokno na hiwalay ang impeachment court sa mga pampublikong hukuman kung kaya’t hindi ito sakop ng patakaran na kailangang sundin ng mga susunod na korte ang mga naunang desisyon o judicial precedent.
