Metro
Bagong kasong cyberlibel inihain laban kay dating Congressman Kiko Barzaga
Kakaharapin ng napatalsik na mambabatas ng Cavite na si Kiko Barzaga ang panibagong kaso ng cyberlibel sa korte ng Maynila. Ang reklamo ay nag-ugat sa kaniyang post sa Facebook noong Enero na naglalaman diumano ng mga malisyosong paratang laban kay Manila Second District Representative Rolando Valeriano. Ito ay pormal nang isinampa ng City Prosecutor’s Office sa Manila Regional Court matapos makitaan ng sapat na basehan para sa posibleng pagkakasala ng dating mambabatas.
Sa kaniyang naging pahayag sa social media, pinaratangan ni Barzaga ang mga miyembro ng National Unity Party o NUP, kabilang si Valeriano, na tumanggap umano ng suhol kapalit ng pagsuporta sa kandidatismo ni dating House Speaker Martin Romualdez. Ayon sa tanggapan ng tagausig, ang maling impormasyon ay mabilis na kumalat matapos mailathala at mai-share ng iba’t ibang online news outlets, na nagdulot ng pinsala sa reputasyon ng mga biktima. Inirekomenda ng piskalya ang piyansang nagkakahalaga ng sampung libong piso para sa pansamantalasag kalayaan ni Barzaga habang gumugulong ang paglilitis.
Ikinatuwa naman ni Valeriano ang naging desisyon ng piskal at ipinaliwanag na ginawa niya ang hakbang na ito upang itaguyod ang pananagutan sa batas. Binigyang-diin niya na bagamat malayang magpahayag ng opinyon at pumuna ang bawat Pilipino, walang sinuman ang may karapatang magbintang nang walang ebidensya at manira ng dangal ng kapwa.
