Connect with us

Metro

ICC, Pinababawasan ang mga Testigo at Ebidensya sa Paglilitis kay Dating Pangulong Duterte

Published

on

Inutusan ng mga hukom ng International Criminal Court (ICC) ang mga prosekutor na bawasan ang kanilang mga testigo at piliin lamang ang pinakamahahalagang ebidensya laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ang layunin nito ay mapabilis at mailatag nang maayos ang kaso bago magsimula ang paglilitis sa Nobyembre 30.

Sa ginanap na status conference sa The Hague kung saan personal na humarap sa unang pagkakataon ang 81-anyos na dating pangulo, ipinaliwanag ni Presiding Judge Joanna Korner na kailangang limitahan ang oras ng bawat pagdinig dahil sa kalagayang pangkalusugan ni Duterte. Kinawestiyon ng hukuman ang hirit ng prosekusyon na 193 oras para sa pagsusuri ng mga testigo at ang listahan ng humigit-kumulang 15,000 ebidensya, na tinawag namang hindi makatotohanan ng kampo ng depensa. Bunsod nito, inatasan ng ICC ang prosekusyon na magsumite ng mas pinalitaw at pinakamahahalagang katibayan lamang upang matapos nang mabilis at patas ang kaso ukol sa diumano’y crimes against humanity sa bansa.

Copyright © 2026 | Pulse Ph