Connect with us

Metro

Video ng pagsuntok ni Sara Duterte, ipinalabas sa impeachment trial

Published

on

Ipinrisinta ng prosecution panel sa impeachment trial ng Senado ang kilalang video footage kung saan makikitang sinuntok ni Bise Presidente Sara Duterte ang isang court sheriff noong siya ay alkalde pa ng Lungsod ng Dabaw.

Nag-ugat ang pagpapalabas ng video sa pagtatanong ni Rep. Gerville Luistro kay National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag kaugnay ng mga pamantayang ginagamit sa pag-imbestiga ng mga banta sa seguridad. Ipinaliwanag ni Matibag na isa ang pattern of violence o kasaysayan ng karahasan sa limang pangunahing salik na sinusuri ng NBI, batay na rin sa mga pamantayan ng United States Secret Service, upang matukoy kung seryoso ang isang banta.

Ayon sa pahayag ng direktor ng NBI, lumabas sa pagsusuri ng kanilang task force ang insidente noong Hulyo 2011 kung saan apat na beses na sinuntok ni Duterte sa mukha ang sheriff na si Abe Andres habang ginagampanan nito ang kanyang tungkulin sa pagpapatupad ng demolition order sa Barangay Soliman, Agdao District.

Copyright © 2026 | Pulse Ph