News
Iran, Nagbabala na Lahat ng Barko sa Strait of Hormuz ay Bantay-Sarado Nila!
Naglabas ng matinding babala ang Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC) Navy ng Iran na lahat ng barkong dumadaan sa Persian Gulf, Gulf of Oman, at sa napakahalagang Strait of Hormuz ay mahigpit nilang binabantayan at may kakayahan silang atakehin ang alinman sa mga ito kapag naglabas ng utos ang kanilang pamunuan. Ayon kay Ali Mohammadi, isang opisyal ng IRGC Navy, handang-handa ang kanilang pwersa sa anumang uri ng pakikidigma sa dagat at hindi sila masisindak sa mga banta o ginagawa ng Estados Unidos sa rehiyon.
Ang tensyong ito sa Strait of Hormuz ay may direktang masamang epekto sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa Pilipinas. Dahil ang nasabing kipot ang pangunahing daanan ng mga tanker na nagdadala ng krudo mula sa Middle East patungo sa iba’t ibang bansa, ang anumang banta ng gulo o aberya sa paglalayag dito ay agad na nagpaptas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
