Uncategorized
Habagat magpapatuloy sa pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas
Patuloy na makararanas ng mga pag-ulan ang kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas dahil sa patuloy na pag-iral ng habagat o southwest monsoon, ayon sa ulat ng PAGASA.
Makararanas ng tuloy-tuloy na panaka-nakang pag-ulan at pabugso-bugsong hangin ang mga lalawigan ng Zambales at Bataan, habang makulimlim na kalangitan at mga pag-ulan naman ang aasahan sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon. Sa kabila ng pag-iral ng habagat, magiging pangkalahatang maayos naman ang panahon sa Bicol Region, maging sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao na makararanas ng mainit na panahon subalit may tsansa pa rin ng mga biglaang pag-ulan sa hapon o gabi. Walang itinaas na gale warning ang mga awtoridad sa anumang baybayin sa bansa, ngunit pinaiingat pa rin ang publiko sa posibleng banta ng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga lugar na madalas ulanin.
