News
Pinangangambahang paglaki ng gyera; barko ng Iran sa Caspian Sea, pinabagsak ng Ukraine!
Umakyat sa panibagong antas ng tensyon ang gulo sa Middle East matapos atakehin ng Ukraine ang isang komersyal na barko ng Iran sa Caspian Sea, kung saan isa ang nasawi at isa pa ang sugatan. Mariing kinondena ng Iran ang insidente bilang isang kriminal at poot na aksyon, sabay ipinatawag ang mga diplomat ng Ukraine sa Tehran. Ipinagtanggol naman ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy ang pag-atake at sinabing ang mga pinatamaang barko ay nagdadala ng mga kagamitang militar para sa Iran at Russia.
Dahil sa panibagong bakbakang ito sa Caspian Sea, lalong naipit ang kalakalan ng Iran na kasalukuyan ding nahaharap sa panggigipit ng United States sa Strait of Hormuz at ng mga rebeldeng Houthi sa Red Sea. Nagdudulot ito ng pangamba sa buong mundo na mas lalong lumawak ang sakop ng giyera habang patuloy naman ang pagsisikap ng mga internasyonal na tagapamagitan na isulong ang negosasyon para sa usapang pangkapayapaan.
