Connect with us

Sports

Twisted Minds, Sinalo ang Spotlight Matapos Dominahin ang Opening Weekend ng MPL PH

Published

on

Mainit agad ang simula ng MPL Philippines Season 16 matapos agawin ng rookie-heavy squad na Twisted Minds ang solo liderato sa opening weekend na ginanap sa Green Sun Hotel, Makati City.
Galing sa core ng mga kampeon sa Development League, agad pinatunayan ng bagong roster na kaya nilang makipagsabayan. Nilampaso nila ang Team Falcons, 2-0, at nakalusot kontra sa powerhouse na AP Bren, 2-1.
“Akala ko madadala sila ng rookie jitters, pero grabe ‘yung tapang at confidence nila,” wika ng head coach na si Kristoffer “BON CHAN” Ricaplaza, na tila mas nabigla pa sa lakas ng kanyang koponan.
Samantala, hindi rin nagpahuli ang ONIC Philippines matapos ipahiya ang defending champion na Team Liquid Philippines sa isang malinis na 2-0 sweep, dahilan para agad silang sumampa sa ikalawang puwesto ng standings.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copyright © 2026 | Pulse Ph