Connect with us

Sports

Tokong at Alciso, natanggal sa World Surf League sa Siargao

Published

on

Nagtapos na ang kampanya ng mga Pilipinong wildcard surfer na sina John Mark “Marama” Tokong at Jayuard Alciso matapos silang yumuko sa kani-kanilang malalakas na kalaban sa nagpapatuloy na World Surf League Championship Tour Philippines Pro sa Cloud 9, Siargao. Nabigo ang kilalang “King of Cloud 9” na si Tokong laban sa Australian world No. 7 na si Ethan Ewing, habang kinapos naman si Alciso sa dikdikang laban kontra sa Japanese surfer na si Kanoa Igarashi.

Kahit hindi pinalad na umusad sa susunod na round, umani pa rin ng papuri ang dalawang lokal na atleta dahil sa kanilang ipinakitang husay at laban sa harap ng mga sumusuportang kababayang Pilipino sa kabila ng mahihirap na kondisyon ng hangon at alon sa karagatan.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copyright © 2026 | Pulse Ph