Connect with us

Metro

Sandiganbayan, Inutusan ang Pagpapadala Kay Romualdez Sa New QC Jail

Published

on

Inatasan ng Sandiganbayan Third Division ang paglilipat sa Bureau of Jail Management and Penology ng dating House Speaker na si Ferdinand Martin Romualdez upang ikulong sa New Quezon City Jail sa Payatas. Haharapin ng kinatawan ng Leyte ang kasong plunder na nagkakahalaga ng P7.44 bilyon kaugnay ng kontrobersya sa flood control projects. Dito rin kasalukuyang nakakulong ang iba pang sikat na personalidad na may kinalaman sa kaparehong kaso.

Kasalukuyang nakatigil si Romualdez sa Cardinal Santos Medical Center dahil sa iba’t ibang karamdaman tulad ng sakit sa puso, diabetes, at hypertension. Humihirit ang kanyang kampo ng hospital arrest, ngunit tutol dito ang Office of the Ombudsman at isinusulong na ilipat na lamang siya sa PNP General Hospital sa Camp Crame. Nakatakda ang kanyang pagbasa ng sakdal o arraignment sa Setyembre 14.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copyright © 2026 | Pulse Ph