Connect with us

Entertainment

Producer ng MAVX, nag-debut bilang direktor sa pelikulang Buddy

Published

on

Pinasok na rin ng presidente at CEO ng MAVX Productions na si Erwin “Lucky” Blanco ang pagdidirek sa pamamagitan ng bagong pampamilyang comedy-drama na may pamagat na Buddy. Ayon sa kanya, hindi niya plinaptlang maging direktor, ngunit nagpasya siyang subukan ito dahil sa pagnanais na personal na makita at masolusyunan ang mga naging problema sa mga naunang proyekto ng kanilang kumpanya. Ipapalabas na sa mga sinehan sa buong bansa ang pelikula na kinunan sa bansang Finland.

Tampok sa Buddy ang kwento ng isang retiradong seaman at biyudong ama na sina Jojo, na ginagampanan ni Michael de Mesa, at ang kanyang matalik na kaibigan na si Ben, na binibigyang-buhay naman ni Benjie Paras. Lumipad sila sa Helsinki upang makapiling muli ang kanyang mga anak na matagal nang OFW doon, ngunit madidiskubre niyang mas malapit ang mga ito sa kanyang kaibigan kaysa sa kanya. Bukod kina Michael at Benjie, kasama rin sa pelikula sina EA Guzman, Elisse Joson, Elijah Canlas, Shaira Diaz, at Empoy Marquez.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copyright © 2026 | Pulse Ph