Connect with us

Entertainment

Paliwanag ng abogado matapos ang biro ni Barbie Forteza tungkol sa kasal sa Las Vegas

Published

on

Naging mainit na usapin sa publiko ang naging Pahayag ng aktres na si Barbie Forteza nang magbiro ito ukol sa kaniyang pangarap na kasal. Sa panayam para sa kaniyang pelikula, sinabi ng aktres na gusto niyang ikasal sa Las Vegas at magsuot ng Vera Wang gown upang magkaroon ng pagkakataong makapag-divorce kung kinakailangan.

Dahil dito, nagbigay ng malinaw na paliwanag ang abogadang si Joji Alonso sa social media upang linawin ang umiiral na batas sa Pilipinas hinggil sa kasal at divorce. Binigyang-diin ng abogado na hindi awtomatikong kinikilala sa bansa ang divorce na nakuha sa ibang bansa kung parehong mamamayang Pilipino ang mag-asawa.

Ipinalwanag ni Alonso na ipinapatupad sa bansa ang tinatawag na nationality principle. Sa ilalim nito, saan man magpunta o ikasal ang isang Pilipino, ang mga batas sa pamilya ng Pilipinas pa rin ang susundin nito. Dahil hindi legal ang divorce sa bansa, mananatiling kasal ang mag-asawa sa mata ng batas ng Pilipinas kahit pa nakakuha sila ng divorce sa ibang bansa.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copyright © 2026 | Pulse Ph