Connect with us

Sports

OKC, Isang Panalo na Lang sa NBA Championship!

Published

on

Nagpakawala ng 40 puntos si Jalen Williams para dalhin ang Oklahoma City Thunder sa 120-109 na panalo kontra Indiana Pacers sa Game 5, at isa na lang ang kailangan nilang panalo para masungkit ang NBA title!

Naganap ang intense na bakbakan sa Oklahoma kung saan umarangkada ang Thunder sa unang half, pero bumawi ang Pacers at umabot sa dalawang puntos ang agwat sa fourth quarter. Pero hindi nagpadaig ang OKC—pinangunahan nina Williams at MVP Shai Gilgeous-Alexander ang finishing kick para sa mahalagang panalo.

Nagbida si Williams sa kanyang 40 points, 6 rebounds, at 4 assists habang si Gilgeous-Alexander ay nag-ambag ng 31 points, 10 assists, 4 blocks, at 2 steals.

Ayon kay Williams, malaking bagay ang tiwalang binibigay ng teammates at coach nila sa kanya. “Sabi ni coach, ‘Just be yourself.’ Kaya kampante ako every game.”

Inamin din ni Williams na ang pagkatalo nila sa Game 1—kung saan sinayang nila ang 15-point lead—ang nagturo sa kanila kung paano tapusin ang laban.

Samantala, may 28 puntos si Pascal Siakam para sa Pacers, pero mas ikinabahala ng fans ang kondisyon ni Tyrese Haliburton, na muling na-injure sa right calf at pansamantalang lumabas sa laro.

Lilipat ang Game 6 sa Indiana sa Huwebes—at posibleng doon na tuluyang tapusin ng OKC ang serye at maiuwi ang korona!

Copyright © 2026 | Pulse Ph