Entertainment
Lea Salonga, May Sariling Bituin na sa Hollywood Walk of Fame!
Isang makasaysayang tagumpay para sa Pilipinas ang pormal na pagtanggap ng theater legend at singer na si Lea Salonga sa kanyang sariling bituin sa bantog na Hollywood Walk of Fame sa California. Siya ang itinuturing na kauna-unahang purong Pilipinang pinarangalan ng naturang pagkilala sa sikat na pasyalan ng mga bituin.
Ganap na ibinunyag ang ika-2,855 na bituin sa harap ng sikat na Pantages Theatre sa Hollywood Boulevard. Dumalo sa makabuluhang seremonya ang daan-daang tagahanga kasama ang ilang malalaking pangalan sa industriya tulad nina Ming-Na Wen, Brandy, Darren Criss, at H.E.R..
Sa kanyang talumpati, hindi napigilan ng award-winning actress ang maging emosyonal habang nagbibigay-galang sa kanyang mga tagasuporta, pamilya, at sa mga nakatrabaho sa industriya. Inihayag ni Lea ang kanyang pag-asa na ang tagumpay na ito ay magsisilbing inspirasyon sa mga batang Pilipino at Asyano upang mangarap nang malaki at maniwalang may lugar din sila sa pandaigdigang entablado.
