Metro
LCP, Sumang-ayon sa Panawagan ni Mayor Magalong para sa Transparent na Paghati ng NTA!
Suportado ng League of Cities of the Philippines (LCP) ang panawagan ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong para sa malinaw na accounting ng national tax allotment o NTA ng mga local government units (LGUs). Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, ang acting national president ng LCP, ang 149 miyembro ng liga sa paghingi ng transparency sa distribusyon ng buwis.
Ayon kay Belmonte, mahalaga ang tamang paglalaan ng pondo para matugunan ang pangangailangan ng mga LGUs at maayos na maihatid ang mga serbisyo sa mga mamamayan. “Kailangan ng mga LGUs ang tamang pondo upang makapagpatupad ng mga epektibong programa at polisiya,” dagdag niya.
Bukod pa rito, pinuri ni Belmonte ang mabilis na tugon ng administrasyon, partikular na si Finance Secretary Ralph Recto, sa pakikipag-usap sa mga alkalde ukol sa isyung ito. Ang ganitong pag-uusap, ayon kay Belmonte, ay makakatulong upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga komunidad ng patas at tapat.
