Connect with us

Entertainment

James Reid, Inalala ang Pagkikita nila ni Giorgio Armani at ang Pagbabalik niya sa Fashion Week

Published

on

Balak nang magbalik ng singer-actor na si James Reid sa internasyonal na fashion week circuit pagkatapos ng kanyang mga nakaraang pagrampa sa Europe. Sa ginanap na Philippine launch ng EA7, ang athleisure line ng Emporio Armani sa Pasay, ibinahagi ni James ang kanyang hindi malilimutang karanasan noong personal niyang makatagpo ang pamosong fashion designer na si Giorgio Armani. 

Inalala ni James ang kanyang Milan Fashion Week debut noong Enero 2024 kung saan nakasama niya ang kanyang partner na si Issa Pressman. Aniya, isang malaking karangalan ang makilala ang pumanaw na icon sa mismong catwalk pagkatapos ng runway show. Nagkaroon din siya ng pagkakataong makadalo sa Paris Fashion Week para sa Louis Vuitton.

Bagama’t naging abala ang kanyang iskedyul ngayong taon sa iba’t ibang proyekto katulad ng kanyang bagong album na Honey I’m Home, pagbabalik-telebisyon sa seryeng Someone, Someday kasama si Kathryn Bernardo, at ang nalalapit na pelikulang Haunted Carnival para sa Metro Manila Film Festival, nananatili pa rin sa kanyang plano ang pagdalo sa mga pagrampa sa abroad.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copyright © 2026 | Pulse Ph