Sports
Grace Quintanilla, maganda ang simula sa National Match Play Championship
Matapos magwagi sa Singapore Amateur Open, muling nagpamalas ng husay sa lokal na torneo ang 19-anyos na golfer na si Grace Quintanilla nang magtala ito ng even-par 72 sa unang qualifying round ng NGAP National Match Play Championship sa Luisita, Tarlac.
Naging maganda ang pagbabalik-laro ni Quintanilla sa kabila ng maikling pahinga matapos ang kaniyang tagumpay sa Singapore noong nakaraang buwan. Kasalukuyan siyang nabibilang sa mga nangungunang manlalaro na naghahangad na makapasok sa susunod na bahagi ng kompetisyon.
Samantala, pinapangunahan nina Ally Gaccion at Mona Sarines ang dibisyon ng kababaihan matapos magtala ng parehong iskoring na 71. Sa dibisyon naman ng kalalakihan, hawak ni Rolando Bregente ang unang pwesto matapos maglista ng impressive na 67 score.
