News
Gobyerno, Tutol Sa Hiling na Gawing Hospital Arrest si Martin Romualdez
Maituturing na matinding pambabara ang sasalubungin ng dating House Speaker na si Martin Romualdez matapos ipahayag ng Office of the Ombudsman na mahigpit nilang tututulan ang hirit nitong manatili sa ospital habang nakaaresto.
Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, hihilingin ng mga prosekutor sa korte na isang grupo ng mga doktor ng gobyerno ang magsuri sa tunay na kalagayan ng kalusugan ni Romualdez. Kung mapapatunayan ng mga eksperto na kayang gamutin ang kanyang karamdaman kahit wala sa ospital, agarang hihilingin ang paglilipat sa kanya sa isang regular na pasilidad ng kulungan tulad ng ibang nakasuhan ng mga kasong walang piyansa.
Nailatag ang arrest warrant laban kay Romualdez habang ito ay nasa Cardinal Santos Medical Center dahil sa kinakaharap na kasong plunder na nagkakahalaga ng 7.4 bilyong piso ukol sa anomalya sa flood control projects. Naghain si Romualdez ng hiling sa Sandiganbayan para sa patuloy na pagpapagamot dahil sa kanyang kondisyon sa puso matapos operahan noong nakaraang taon. Nakatakda namang dinggin ng korte ang usaping ito upang magdesisyon kung saan siya dapat manatili habang nakakulong.
