Entertainment
Bida ng ‘Godzilla’ na si Kaylee Hottle, pumanaw na sa edad na 18
Pumanaw na ang 18-anyos na Amerikanang aktres na si Kaylee Hottle matapos masangkot sa isang matinding aksidente sa kalsada sa Maryland, Estados Unidos.
Kilala si Hottle sa kanyang natatanging pagganap bilang ang binging karakter na si Jia sa mga blockbuster na pelikulang Godzilla vs. Kong noong 2021 at Godzilla x Kong: The New Empire noong 2024. Dahil sa kanyang husay sa pag-arte, nanomina pa siya para sa Saturn Award for Best Performance by a Younger Actor noong 2024.
Ayon sa ulat ng Frederick County Sheriff’s Office, nangyari ang aksidente madaling araw ng Martes nang sumalpok ang sinasakyan nilang 1995 Honda Accord sa isang culvert o drainage canal matapos itong lumihis mula sa dalawang daanang kalsada. Mabilis na isinugod sa ospital si Hottle ngunit idineklara rin siyang dead on arrival. Sugatan naman ang 19-anyos na drayber ng sasakyan habang tumanggi naman sa gamot ang isa pang pasahero.
Pinaniniwalaan ng mga awtoridad na ang sobrang kabilisan ng pagpapatakbo ng sasakyan ang pangunahing sanhi ng aksidente.
