Sports
Alex Eala, nagpakita ng matinding laban ngunit yumuko sa world number 2!
Tapos na ang paglalakbay ng Filipina tennis sensation na si Alex Eala sa Italian Open matapos siyang talunin ng world number 2 na si Elena Rybakina sa Rome. Bagama’t nagpakita ng tapang ang ating pambato, nanaig ang karanasan at lakas ng Kazakh player sa kanilang pagtatagpo sa ikatlong round ng torneo.
Sa unang set, sinubukan ni Eala na makipagsabayan at nakuha pa ang unang game. Ngunit agad bumawi si Rybakina at nagpakawala ng mga matitinding tira para makuha ang set sa iskor na 6-4. Sa ikalawang set, muling lumaban si Eala at nagawa pang luma-mang ng 2-1, pero mabilis na nakabalik si Rybakina hanggang sa tuluyan nang tapusin ang laban sa iskor na 6-3.
Kahit bigo na maulit ang kanyang makasaysayang panalo laban sa isang top-ranked player, gaya ng ginawa niya noon kay Iga Swiatek, nananatiling kahanga-hanga ang ipinamalas ni Eala. Ang pag-abot niya sa ikatlong round ng isang malaking torneo sa Europa ay patunay na patuloy ang kanyang pag-unlad sa mundo ng professional tennis.
