Connect with us

News

Batas para ipagbawal ang pagharang ng korte sa dagdag-sahod, inihain ni Raffy Tulfo

Published

on

Naghain ng panukalang batas si Senador Raffy Tulfo upang ipagbawal sa mga korte at tribunal ang pagpapatupad ng temporary restraining order o anumang desisyon na humaharang sa pagpapatupad ng wage order o dagdag-sahod sa bansa.

Isinagawa ni Tulfo ang paghahain ng Senate Bill 2372 kasunod ng naging aksyon ng isang korte sa Pasig na naglabas ng TRO laban sa 85 pesos na arawang dagdag-sahod para sa mga manggagawa sa Metro Manila. Binigyang-diin ng senador na ang mga utos sa pagtataas ng sahod ay dumadaan sa masusing pag-aaral, konsultasyon, at pampublikong pagdinig kasama ang pamahalaan, sektor ng paggawa, at mga employer.

Ipinalwanag ng mambabatas na bagama’t ipinagbabawal sa ilalim ng Labor Code ang pagpapatigil sa mga proseso ng regional wage boards, ginagamit pa rin ng ilang grupo ang puwang sa batas upang maghain ng petisyon sa korte para pigilan ang mismong pagpapatupad ng wage order kapag naaprubahan na ito.

Copyright © 2026 | Pulse Ph