Sports
Mosley: “Pacquiao’s Still Got It!”
Kahit tapos na sa ring, hindi pa rin tapos ang respeto ni ‘Sugar’ Shane Mosley kay Manny Pacquiao.
Naging magkaribal sila sa laban noong 2011 kung saan nanalo si Pacman via unanimous decision, pero ngayon, magkaibigan na muli ang dalawang boxing legends. Nakisabay pa nga si Mosley sa isang umagang training ni Pacquiao sa Griffith Park, Los Angeles!
Sa edad na 53, retired na si Mosley, habang si Pacquiao (46) ay bumabalik sa aksyon matapos ang apat na taong pahinga. Nakapila na ang comeback fight niya kontra WBC welterweight champ Mario Barrios sa Hulyo 19 sa Las Vegas (Hulyo 20 sa Manila).
Namangha si Mosley sa galaw ni Manny: “Maganda pa rin ang hand speed at footwork niya,” aniya sa video ng FightHype.com. Nag-fist bump pa ang dalawa, at sinabayan ni Mosley ang Pinoy sa shadowboxing.
May paalala rin si Mosley kay Pacman: “‘Di na tayo 20 years old. Kailangan din ng pahinga.” Pero kahit may edad na, halata pa ring gutom sa laban si Pacquiao.
Mukhang ready nang muling manggulat ang Pambansang Kamao!
