Connect with us

Sports

OKC, Handang Ipagtanggol ang Teritoryo!

Published

on

Kailangan ulit ng Oklahoma City Thunder ng superstar magic mula kay Shai Gilgeous-Alexander (SGA) para mapanatili ang kanilang homecourt advantage sa Game 5 ng NBA Finals kontra Indiana Pacers ngayong umaga (8:30 AM, Manila time) sa Paycom Center.

Sa Game 4, bumida si SGA sa clutch—15 sa kanyang 35 points ay ginawa sa huling 4:30 minuto ng laro para iligtas ang OKC sa bingit ng 3-1 series deficit. Mula sa 111-104 na panalo, tabla na ngayon ang serye sa 2-2, at balik sa OKC ang momentum.

Parang Michael Jordan ang dating ni SGA nang i-fake at i-push off si Aaron Nesmith para sa isang crucial jumper na nagbigay ng 104-103 lead—katulad ng MJ move vs Bryon Russell noong ’98 Finals.

Pero hindi lang si SGA ang bida—Chet Holmgren stepped up din with 14 points, 15 rebounds, at clutch plays sa fourth. Coach Mark Daigneault also played it smart this time, binalik ang “Twin Towers” combo nina Holmgren at Isaiah Hartenstein, na naging susi sa rebounding at depensa.

Ang Indiana naman, kilala sa high-powered offense, pero lumalambot kapag pinigil sa ilalim ng 110 points—isang formula na subok na ng OKC. Sa panalo ng Thunder, na-limit ang Pacers sa 105.5 average points, pero kapag Indiana ang nananalo, umaabot sila sa 113.5.

Bantayan din si Benedict Mathurin, na umiskor ng 27 sa Game 3 pero bumagsak sa 8 points sa Game 4—kasama ang tatlong crucial free throw misses.

Tatlong laro na lang ang posibleng matira—Game 6 sa Indiana, at kung umabot, Game 7 sa OKC. Kaya doble ang tsansa ng Thunder na maiuwi ang Larry O’Brien trophy sa sariling lupa.

Labanan na ng diskarte, depensa, at clutch moments. Lalamang ba ang OKC sa Game 5?

Copyright © 2026 | Pulse Ph