Connect with us

Sports

Philippine Blu Girls, Buo ang Kumpiyansa sa Pagsungkit ng Medalya sa Asian Games

Published

on

Handa nang magpakitang-gilas ang Philippine Blu Girls para makuha ang makasaysayang medalya sa women’s softball sa darating na Asian Games sa Aichi, Japan. Matapos ang tatlong magkakasunod na edisyon ng Asiad kung saan kapus-palad na nagtapos sa ikaapat na pwesto ang koponan, nangako ang team captain na si Charlotte Sales na gagawin nilang masayang pagdiriwang ang mga kabiguang naranasan sa nakalipas na mga taon.
Nakatakdang simulan ng Blu Girls ang kanilang kampanya sa Setyembre 26 laban sa World No. 1 na Japan, bago harapin ang Chinese Taipei, South Korea, Thailand, Singapore, at Hong Kong sa single-round robin eliminations. Buo rin ang suporta at tiwala ni Amateur Softball Association of the Philippines President Jean Henri Lhuillier sa galing, disiplina, at palaban na puso ng pambansang koponan upang maiuwi ang medalya para sa bansa.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copyright © 2026 | Pulse Ph