News
Presyo ng Langis, Walang Malinaw na Indikasyon ng Pagbaba. Pagtaas, Asahan Muli Dahil sa Middle East!
Magpapatupad ng panibago at malakihang pagtaas sa presyo ng petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong Martes, Setyembre 8. Ayon sa Department of Energy, tataas ng P5.18 bawat litro ang diesel, P5.58 bawat litro ang kerosene, at P4.69 bawat litro naman ang gasolina.
Pangunahing dahilan ng biglaang pagtaas na ito ang matinding tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran, pati na rin ang pag-atake sa isang oil tanker sa Strait of Hormuz na pumatay sa dalawang Pilipinong seaman. Dahil sa kaguluhan sa rutang ito na pinuprusessuhan ng dalawampung porsyento ng langis sa buong mundo, naging mabilis ang pag-akyat ng presyo sa pandaigdigang merkado. Dagdag pa rito, ang patuloy na paghina ng piso kontra dolyar ang lalo pang nagpabigat sa presyo ng inaangkat nating petrolyo.
