News
NDRRMC: 3 Ang Patay At 1 Ang Nawawala Dahil Sa Bagyong Kiyapo
Umakyat na sa tatlong tao ang nasawi habang isa pa ang patuloy na hinahanap dahil sa pananalasa ng Bagyong Kiyapo, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Sa naitalang datos ng ahensya, isang biktima ang nasawi sa Davao habang dalawa naman ang namatay at isa ang nawawala sa lalawigan ng Sarangani.
Pumalo na sa 59,987 pamilya o mahigit 285,000 indibidwal ang naapektuhan ng bagyo sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Kasalukuyang nakatira sa 51 evacuation centers ang nasa 10,405 na residente matapos masira ang humigit-kumulang 261 na kabahayan, kung saan 91 sa mga ito ang tuluyang nasira at 170 naman ang bahagyang napinsala. Nagpaabot na ang pamahalaan ng higit P5.5 milyong halaga ng tulong para sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad.
