News
Trump, hihimukin ang Iran na sumuko, nagbanta ring bobombahin ang Oman
Nananawagan si US President Donald Trump sa bansang Iran na magtaas na ng puting bandila at tuluyang sumuko upang matapos na ang nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng dalawang bansa. Isinagawa ni Trump ang pahayag sa isang panayam sa telebisyon habang nananatiling nakabinbin at walang pag-unlad ang mga negosyasyong pangkapayapaan.
Nalaglag ang naunang kasunduan sa pagtigil ng palitan ng putok matapos ideklara ni Trump na wala na itong bisa, habang sinuspinde rin ito ng pamahalaan ng Iran. Sa ilalim ng kasunduan, may 60 araw ang dalawang bansa upang makabuo ng pinal na kasunduan ukol sa usaping nukleyar at seguridad, ngunit lumipas ang takdang panahon nang walang napagkasunduan.
Nagpakawala rin ng panibagong banta si Trump laban sa kalapit na bansang Oman. Aniya, gagamitan ng US ng matinding pwersa at babombahin ang Oman kapag humarang ito o makialam sa mga usapin sa Middle East.
