News
Magnitude 5.9 na Lindol, Nagpayanig sa Japan at Nag-iwan ng mga Sugatan
Niyanig ng magnitude 5.9 na lindol ang malaking bahagi ng Tokyo at mga kalapit na lalawigan sa Japan madaling-araw ng Linggo. Dahil sa lakas ng pag-alingawngaw ng mga siren at earthquake warning alerts sa mga cellphone, mabilis na nabalot ng kaba ang mga residente sa kabiserang lungsod habang naramdaman ang marahas na pag-uga ng lupa.
Ayon sa Japan Meteorological Agency, naganap ang pagyanig bandang alas-dos ng madaling-araw sa timog na bahagi ng Ibaraki Prefecture na may lalim na 68 kilometro. Agad namang nilinaw ng mga awtoridad na walang banta ng tsunami, ngunit umabot sa hindi bababa sa 37 katao ang naitatalang nagtamo ng bahagyang pinsala sa katawan kabilang ang isang matandang babae na nahulog sa kama sa Yokohama.
Bukod sa mga minor injury, nagdulot din ang lindol ng bahagyang pinsala sa ilang gusali at naantala ang biyahe ng mga tren sa Tokyo. Nagbabala rin ang mga dalubhasa sa posibleng banta ng landslides at mga susunod pang malalakas na matinding aftershocks sa mga darating na araw lalo na’t napalambot na ng mga nagdaang malalakas na ulan ang lupa sa lugar.
