Connect with us

Sports

Iga Swiatek, Pasok sa Kanyang Unang WTA Final Ngayong Taon!

Published

on

Pumasok na sa kanyang unang WTA final ng taon ang dating World No. 1 na si Iga Swiatek matapos patumbahin si Elina Svitolina sa semifinal ng National Bank Open sa Toronto, Canada.

Nakuha ng Polish tennis star ang panalo sa iskort na 6-3, 1-6, 6-3 laban sa Ukranian player. Ang tagumpay na ito ay nagpaangat sa kartada ni Swiatek laban kay Svitolina sa 5-3, matapos siyang talunin nito nang dalawang beses sa mga nakaraang tapatan ngayong taon.

Nakatakdang makaharap ni Swiatek sa kampeonato ang mananalo sa pagitan nina Coco Gauff ng US at Elena Rybakina ng Kazakhstan.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copyright © 2026 | Pulse Ph