Entertainment
TJ Monterde, Muntik nang Sumuko Bago Sumikat ang Kantang Palagi!
Bago naghari sa mga music charts at naging paboritong wedding song ng bayan ang kantang Palagi, muntik nang tuluyang isuko ng OPM singer na si TJ Monterde ang kanyang pangarap sa musika. Ibinahagi ng mang-aawit na dumating siya sa puntong doubted na niya ang kanyang kakayahan dahil sa mga pagsubok sa industriya.
Naisip na ni Monterde na magretiro sa pagtatanghal at maging manunulat na lamang ng kanta sa likod ng entablado. Ngunit sa tulong at paniniwala ng kanyang asawang si KZ Tandingan at ng kanyang mga tagahanga, nagkaroon siya ng lakas ng loob na ilabas ang kantang Palagi na nagbago sa kanyang buhay.
Ang hindi inaasahang pag-sikat ng awitin ay nagpatunay na may tamang panahon para sa bawat pangarap. Ngayon, patuloy na nagbibigay ng inspirasyon si TJ Monterde sa mga nakikinig sa kanyang musika at sa mga taong patuloy na lumalaban para sa kanilang mga adhikain.
