Connect with us

Entertainment

SB19 kinilala ng Senado matapos ang makasaysayang performance sa Lollapalooza

Published

on

Pormal nang pinasalamatan at kinilala ng Senado ng Pilipinas ang P-pop group na SB19 matapos ang kanilang makasaysayang pagtatanghal sa kilalang Lollapalooza music festival sa Chicago. Nagtungo ang grupo sa Senado kasunod ng pagpapatibay ng Senate Resolution 545 na inihain at isinulong ni Senator Bam Aquino.

Ang resolusyon ay naglalayong bigyang-pugay ang tagumpay ng SB19 at ang malaking ambag nito sa pag-unlad ng creative industries sa bansa. Isinagawa ng SB19 ang kanilang isang oras na performance sa Allianz Stage noong Hulyo 30, dahilan upang sila ang maging kauna-unahang homegrown Filipino act na nakapagtanghal sa Lollapalooza.

Sa kanyang sponsorship speech, binigyang-diin ni Aquino ang sipag at sakripisyo ng grupo mula sa kanilang breakout hit na Go Up noong 2019 hanggang sa iba pa nilang sikat na kanta tulad ng Gento, Bazinga, at Crimzone. Ipinaalala rin ng senador na sa bawat pag-akyat ng grupo sa pandaigdigang entablado, pinalalawak nila ang oportunidad para sa iba pang Pilipinong nangarap na makilala sa buong mundo habang buong pagmamaking bitbit ang kanilang sariling kultura at pagkakakilanlan.

Copyright © 2026 | Pulse Ph