Connect with us

Entertainment

Porsche ni Derek Ramsay, kinumpiska at isusubasta ng Bureau of Customs

Published

on

Naghain ng warrant of seizure and detention ang Bureau of Customs (BOC) laban sa isang milyong-milyong halagang Porsche 918 Spyder na nakarehistro sa aktor na si Derek Ramsay.

Ayon sa BOC, nagkaroon ng misdeclaration at underpayment ng buwis nang ipasok ang sasakyan sa bansa noong 2021. Idineklara ang supercar bilang isang mas murang Porsche Boxster na nagkakahalaga lamang ng ₱3.26 milyon, kaya ₱1.8 milyon lang ang nabayarang tax. Sa katunayan, ang tunay na halaga ng Porsche 918 Spyder ay humigit-kumulang ₱48 milyon (na maaaring umabot sa ₱75M hanggang ₱100M sa merkado) at dapat ay nasa ₱32 milyon hanggang ₱35 milyon ang binayarang buwis.

Bibigyan si Ramsay ng 15 araw upang magsumite ng mga dokumentong magpapabulaan sa mga paratang. Kapag walang maipakitang sapat na patunay, tuluyan nang rematado ang sasakyan at isusubasta ng pamahalaan.

Iginiit naman ni Ramsay na nabili niya ang kotse apat na taon na ang nakararaan bilang isang “good faith buyer” mula sa isang seller at naniniwala siyang kumpleto at legal ang mga buwis nito. Kakasuhan naman ng BOC ang consignee at broker na nagpasok ng sasakyan, habang imbestigahan din ang mga empleyado ng BOC at LTO na nag-proseso ng mga dokumento nito.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copyright © 2026 | Pulse Ph