News
Malacañang: alternative work setup at klase sa Metro Manila at 17 lalawigan ngayong araw!
Iniatas ng Malacañang ang pagpapatupad ng alternative work setup sa mga tanggapan ng gobyerno at alternative learning modes sa mga paaralan sa Metro Manila at 17 iba pang lalawigan ngayong Huwebes, Agosto 20. Batay sa Memorandum Circular No. 131 na nilagdaan ni Acting Executive Secretary Ralph Recto, layunin nitong tiyakin ang kaligtasan ng publiko dahil sa patuloy na pag-ulan na dala ng habagat na pinalalakas ng Tropical Depression Neneng.
Kabilang sa mga sakop ng utos ang buong Metro Manila pati na rin ang mga lalawigan sa Ilocos Region, Cordillera, Central Luzon, at CALABARZON gaya ng Pangasinan, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal. Gayunpaman, mananatiling bukas at tuloy-tuloy ang serbisyo ng mga ahensya ng pamahalaan na nakatutok sa kalusugan, pagtugon sa sakuna, at iba pang pangunahing pangangailangan ng mamamayan.
